Heavy rainfall warning, itinaas ng PAGASA sa Camarines Sur at Camarines Norte

Nagtaas na ng heavy rainfall warning ang PAGASA sa lalawigan ng Camarines Sur at Camarines Norte.

Sa inilabas na abiso ng PAGASA, inuulan ngayon ang ilang lalawigan sa Bicol dahil sa tail-end ng cold front.

Itinaas ng PAGASA ang orange warning level para sa dalawang nabangggit na lalawigan at inabisuhan ang publiko na hinggil sa pagbaha at landslides.

Maliban sa Camarines Sur at Camarines Norte, inuulan din ang Catanduanes at Naga City.

Pinayuhan ng PAGASA ang publiko na mag-antabay sa susunod nilang rainfall advisory.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Read more...