70 police officials kabilang ang 3 heneral, sisibakin ni Duterte

ACE MORANDANTE | PRESIDENTIAL PHOTO

May sisibakin na 70 police officials si Pangulong Rodrigo Duterte sa mga susunod na araw.

Ayon kay Duterte, bahagi ito ng kampanya ng pamahalaan laban sa mga tiwaling opisyal ng pamahalaan.

Binanggit ito ng pangulo sa kaniyang talumpati sa event ng Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) sa Manila Hotel.

Sinabi ng pangulo na kabilang sa 70 police officials na sisibakin ang tatlong mga heneral.

“I am in the thick of firing people. I intend to fire another maybe 70 or 49 policemen and three generals for corruption,” ayon kay Duterte.

Wala pang ibang detalye na binanggit ang pangulo hinggil sa gagawing pagsibak.

Una nang sinabi ng pangulo na mas palalawigin niya ang paglilinis sa pamahalaan mula sa itaas hanggang sa mga local government official.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Read more...