PNP sa publiko: Huwag mabahala sa pagbabalik ng Oplan Tokhang

Inquirer File Photo | Erika Sauler

Hindi dapat mabahala ang publiko sa target ng Philippine National Police (PNP) na ibalik ang pagpapatupad ng “Oplan Tokhang”.

Sa panayam ng Radyo Inquirer, sinabi ni National Capital Region Police Office (NCRPO) Chief, Dir. Gen. Oscar Albayalde na hindi naman dapat ikatakot ng mga tao ang “Oplan Tokhang” na ang tanging layunin ay makiusap sa mga tukoy na gumagamit ng ilegal na droga.

Ipinaliwanag ni Albayalde na ang “Oplan Tokhang” ay pagpapasuko o panghihikayat na sumuko sa mga drug users o pushers.

Kung mayroon man aniyang mga nasasawi, iyon ay nagaganap sa mga lehitimong operasyon gaya ng buy-bust operations lalo na kapag nanlalaban ang mga target.

Sa pagbabalik ng “Oplan Tokhang”, sinabi ni Albayalde na kakatok sila sa mga bahay ng mga ‘identified’ na gumagamit ng ilegal na droga para himukin itong sumuko.

 

 

 

 

 

Read more...