Grupo ng mga guro, nag-kilos protesta sa tangggapan ng DBM sa Maynila

Kuha ni Cyrille Cupino

Nagsagawa ng kilos-protesta ang grupo ng mga guro sa tapat ng tanggapan ng Department of Budget and Management (DBM) sa Maynila.

May dalang placards, at humiga pa sa kalsada ang mga miyembro ng Manila Public School Teachers Association upang kondenahin ang naging pahayag ni Budget Sec. Benjamin Diokno na hindi umano prayoridad ng DBM ang taas-sweldo ng mga guro.

Ayon pa sa grupo, insensitibo si Diokno sa hinaing ng mga public school teachers na tambak ng trabaho, pero nagtitiis pa rin sa kakarampot na sahod.

Paliwanag pa ng grupo, mas magaling pang mag-budget ang mga teachers kesa kay Sec. Diokno dahil nagagawa nilang pagkasyahin ang napakaliit na sahod para sa kanilang pamilya.

Hiling ng mga guro na i-angat sa 25 thousand pesos kada buwan ang sweldo ng mga entry-level na teachers.

Ayon kay Louie Zabala, presidente ng asosasyon, aaraw-arawin nila ang pagkalampag sa DBM hanggat hindi gumagawa ng aksyon ang pamahalaan.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Read more...