Pangunahing suspek sa pagkawala ni Bien Unido Mayor Boniel, inilipat sa Cebu jail

Inilipat si Bohol Provincial Board Member Niño Rey Boniel sa Cebu Provincial Detention and Rehabilitation Center (CPFRC) mula Talibon District Jail sa Bohol.

Si Niño ang pangunahing suspek sa pagkawala ng kanyang asawang si Bien Unido Mayor Gisela Boniel na pinaniniwalaang patay na.

Ayon sa abogado niyang si Gerardo Carillo, dumating si Niño sa Pier 3 sa Cebu City dakong ala-1:00 ng hapon. Sinamahan ng jail officers ng Talibon District Jail ang suspek.

Matapos makulong nang anim na buwan sa Bohol, inilagay sa regular detention cell si Niño pagkarating sa CPDRC.

Noong November 2017, ipinag-utos ng Korte Suprema ang hiling ni Justice Secretary Vitaliano Aguirre at ng kampo ni Gisela na ilipat ang kasong kidnapping and serious illegal detention ni Niño sa Cebu mula sa Bohol.

Pagsasamahin ang kasong ito at ang isa namang kaso ng parricide na nakabinbin sa korte sa Lapu-Lapu City na may hursidiksyon sa bahagi ng dagat kung saan umano itinapon ang bangkay ni Gisela.

Read more...