MRT, tiniyak na walang taas-pasahe hangga’t hindi naisasaayos ang serbisyo

Hindi tataas ang pasahe sa Metro Rail Transit (MRT) hangga’t hindi nararamdaman ang improvements nito.

Ito ang pagtitiyak ng Department of Transportation sa publiko.

Ayon kay DOTr Undersecretary TJ Batan, walang dagdag-singil sa MRT hanggang hindi nararamdan ng mga pasahero ang mas maayos na serbisyo, prtikular sa convenience, availability at reliability.

Kaugnay nito, dumating na ang 48 bagong bagon mula sa isang kumpanya sa China. Gayunman, hindi pa muna gagamitin ito para sa MRT.

Isasailalim muna sa audit assessment ang mga ito para malaman kung tatanggapin o hindi ng DOTr ang mga bagon.

Ayon kay Batan, mayroon nang independent safety auditor ang kagawaran.

Read more...