Kabilang dito ang nabunyag na maluhong Christmas Party na ginastusan umano ng 6 Milyung Piso.
Ayon kay Lacson, kabilang sa papaharapin sa pagdinig ay ang Board members ng PCSO, kabilang si Sandra Cam na syang nagbunyag sa isyu.
Imbitado din ang bagong officer-in-charge ng Department of Interior and Local Government na si dating AFP Chief-of-Staff Eduardo Año, mga police regional directors at ang negosyanteng si Charlie ‘Atong’ Ang.
Base naman sa alegasyon ni PCSO General Manager Alexander Balutan, nasa likod ni Cam ang negosyanteng si Atong Ang na nagnanais umanong magkaroon ng kontrol sa STL.
Ayon kay Lacson, kasama ding uungkatin sa pagdinig ang alegasyon na nagiging front ng jueteng ang operasyon STL o small town lottery kaya mababa ang kita mula dito.
Sa impormasyon nakuha ni Lacson, milyung piso kada buwan ang offer sa mga police regional director huwag lang pakialaman ang STL at operasyon ng ilegal gambling tulad ng jueteng.