Umaasa ang Malacañang na bago matapos ang termino ni Pangulong Rodrigo Duterte sa 2020 ay magiging Federal na ang gubyerno ng Pilipinas.
Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque, prayoridad ni Pangulong Duterte ang pagbabago sa sistema ng gubyerno.
Ayon kay Roque, kahit hindi pa nakauusad ang unang hakbang para rito, sa tamang panahon ay masisimulan din ito.
Naniniwala rin si Roque na maaring namang isabay sa gagawing 2019 Elections ang plebesito para maamyendahan ang Saligang Batas.
Kaugnay nito, muling iginiit ni Roque na walang plano si Pangulong Duterte na pahabain ang kanyang termino kaya walang dapat ikabahala rito ang publiko.
Una nang sinabi ni House Speaker Pantaleon Alvarez na ngayong taon ay masisimulan na ang pag-amyenda sa Saligang Batas.
Sa Senado naman, inaasahan na sa susunod na linggo ay kikilos na rin ang liderato sa pamamagitan nang paghahain ng panukalang batas na may kinalaman sa Charter Change.