Magbibigay ang pamahalaan ng P200 sa pinakamahihirap na pamilya kada buwan.
Upang matulungang mapawi ang magiging epekto ng Tax Reform for Acceleration and Inclusion law o (TRAIN) ng administrasyon.
Ayon kay Budget Secretary Benjamin Diokno, ang P200 na subsidiya kada buwan ay sagot sa mga kritiko na nagsasabing “anti-poor” ang batas.
Makatutulong anya sa 50 percent na pinakamahihirap sa sambahayan ang aksyong ito ng gobyerno na inaasahang maaapektuhan ng bagong tax package.
Iginiit din ng kalihim na ang pangmatagalang epekto ng TRAIN law ay magpapababa sa mga presyo na magiging dahilan ng mas maayos na produksyon, magandag imprastraktura at mababang presyo sa transportasyon.
Naglaan ang gobyerno ng P24.5 bilyon na unconditional cash grants sa pamamagitan ng Department of Social Welfare and Development kung saan inaasahan ang P200 hanggang P300 pagtaas sa 2019 at 2022.