Sa katunayan, batay sa mga opisyal na datos, ang 2017 ang ikatlong pinakamainit na taon sa kontinente sa kasaysayan.
Ayon kay Bureau of Meteorology (BOM) Chief Karl Braganza, bagaman wala ang El Niño na kadalasang nagiging sanhi ng mainit na panahon sa Australia ay lubhang nakaranas ang bansa ng mainit na panahon noong nakaraang taon.
Parehong naging mas mainit ang temperatura sa umaga at gabi noong 2017 kumpara sa average temperature.
Ang naturang mga datos ay inilabas bago pa man ilabas ang ‘global mean temperatures’ ng World Meteorological Organization kung saan inaasahan ng BOM na magsasalaysay na ito ang ikatlong pinakamainit na taon sa kasaysasayan ng bansa at pinakamainit sa kawalan ng El Niño.
Ang taunang ‘mean temperature’ ng Australia ay tumaas na ng 1.1 degrees Celsius mula 2010.
Samantala, pito sa sampung pinakamaiinit na taon naman ng rehiyon ay naganap lang mula 2005 maliban sa 2011 na mas malamig sa average temperature ayon sa ulat ng weather bureau.