Ayon kay Trillanes, layunin lamang ng plano ng administrasyon na baguhin ang Saligang Batas ay ang matiyak na makikinabang dito ang pangulo at ang mga kaalyado nitong mga ‘political warlords’.
Naniniwala rin si Trillanes na isang uri lamang ng bitag o ‘trap’ ang naturang hakbang at layunin lamang nito na mapalawig ang kapangyarihan ng mga nais na manatili sa puwesto.
Aminado naman si Trillanes na kailangan ang charter change upang mabago ang sistema ng gobyerno mula presidential tungong federalism.
Gayunman, hindi aniya maari itong gawin sa ngayon sa ilalim ng isang ‘hindi kati-tiwalang administrasyon’.
Sinabi pa ng mambabatas na ang paglutas sa problema ng bayan ay hindi mareresolba sa pamamagitan ng pagbabago sa sistema ng gobyerno kung hindi sa pagluluklok ng mga karapat-dapat at responsableng pinuno.