Magkapatid na Reyes, namuhay ng marangya sa Thailand

reyes villa
CIDG Photo

Mahigit tatlong taon na nagtago at namuhay ng marangya ang magkapatid na sina dating Palawan Governor Joel Reyes at dating Coron Mayor Mario Reyes sa Thailand.

Batay sa mga larawang nakuha ng Philippine National Police – Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG) nanirahan ang dalawa sa isang malaking Villa.

Ang nasabing villa kung saan nanirahan ang dalawa ay nasa isang beach resort.

Mayroon ding ginamit na SUV ang magkapatid na isang Ford Eco Sport, habang sila ay nagtatago sa Rawai Area sa Phuket.

Sa isa sa mga larawang nakuha ng CIDG, makikita ang magkapatid na Reyes, kasama ang dalawang lalaki na nasa resort.

Ang dalawa na akusado sa pagpatay sa broadcaster at envorinmentalist na si Dr. Gerry Ortega ay naaresto ng mga otoridad sa Thailand dahil sa pagiging overstaying.

Read more...