Dahil sa matinding pagbuhos ng ulan na naranasan sa Zamboanga City ngayong araw umapaw ang ilog at binaha ang dalawang barangay sa lungsod.
Ayon kay City Administrator Elmer Apolinario, naapektuhan ng pagbaha ang barangay ng San Roque at Putik.
Umabot umano sa hanggang dibdib ang tubig baha sa dalawang barangay bunsod ng paglaki ng ilog.
Mahigit isang daang pamilya ang naapektuhan ng pagbaha nagpadala na ng tauhan ang Philippine Navy sa mga apektadong lugar para tulungang makalabas ng kani-kanilang mga tahanan ang mga residente.
Alas 3:25 ng hapon nang tumigil ang naranasang malakas na buhos ng ulan.
Bahagya na ring bumaba ang tubig sa ilog na inaasahang susundan ng pagbaba ng tubig baha sa mga apektadong barangay.
MOST READ
LATEST STORIES