Tatlo sugatan sa sunog sa warehouse sa Valenzuela City

Valenzuela City Fire
Kuha ni Jun Corona

Tatlong trabahador ang nasugatan sa sunog na naganap sa C. Molina St., Viente Reales, Valenzuela City.

Ayon kay Valenzuela City Fire Marshall Supt. Jonas Silbano, isinugod sa ospital ang mga hindi pa nakikilalang nasugatan na nagtamo ng pinsala sa kanilang katawan.

Lumalabas sa inisyal na imbestigasyon ng Valenzuela BFP na nagsimula ang sunog alas 10:01 ng umaga (Biyernes) sa Loyal Family Industrial Corporation na mag-aari ng magkapatid na Jacob at Mark Go.

Nadamay din ang katabing LCG Industrial Sales sa sunog na umabot sa ikalimang alarma.

Nahihirapan ang mga pamatay sunog na apulahin ang apoy dahil sa mga kemikal at plastik na nakaimbak sa mga nasabing warehouse.

 

Read more...