15 trak ng basura, nakolekta ng MMDA pagkatapos ng Traslacion 2018

Kuha ni Mark Makalalad

15 trak ng basura ang nakolekta sa mga kalsadang dinaanan ng Traslacion ng Itim na Nazareno kahapon.

Ayon kay MMDA Spokesperson Celine Pialago, magpapatuloy ngayong araw ang pagkuha ng mga basurang naiwan sa ruta ng prusisyon ng Nazareno.

Aabot rin sa 100 street sweepers ang itinalaga ng MMDA at mga dump trucks para sa koleksyon ng basura.

Nakolekta ng MMDA at lokal na pamahalaan ng Maynila ang mga basura sa Quirino Grandstand, habang may team rin ng trash collectors na itinalaga sa buntot ng Traslacion para mangolekta ng basura.

Karamihan sa mga basurang nakolekta ay mga plastic bottles, styrofoam, tirang pagkain, at mga karton.

 

Read more...