Pamilya ng mga batang nasawi matapos turukan ng Dengvaxia na nagpasaklolo sa PAO, nadagdagan pa

 
Inquirer file photo

Nadagdagan pa ang bilang ng mga magulang na nagpatulong sa Public Attorney’s Office (PAO) para suriin ang mga labi ng kanilang mga anak na namatay matapos maturukan ng Dengvaxia vaccine.   Ayon kay Dr. Erwin Erfe, Director ng PAO Forensic Laboratory, halos araw-araw ay nakatatanggap sila ng request mula sa pamilya na humihiling ng autopsy sa mga nasawing bata.   Apat na bangkay ng mga bata ang na-‘examine’ na ng PAO at dalawa pa ang nakatakdang i-autopsy ngayong araw.   Sinabi ni Erfe na may lumalabas na pattern sa mga bata na namatay matapos maturukan ng Dengvaxia, na bakuna sana laban sa Dengue.   Kabilang sa resulta ng pagsusuri ang internal bleeding, paglaki ng internal organs, at pagkasawi sa loob ng anim na buwan matapos matanggap ang bakuna. Binanggit rin ni Dr. Erfe ang rapid progression ng sakit at pagkamatay ng mga bata gaya ng kaso ng isang 11-anyos na bata na nasawi sa loob ng 24 oras noong December 27, 2017 matapos makitaan ng mga unang sintomas ng sakit.   

Read more...