Kinukumpirma ng Department of National Defense (DND) ang report mula sa pamahalaan ng Malaysia at Indonesia na may nakapasok na mga dayuhang terorista sa bansa.
Ayon sa report, maaring dumaan ang mga dayuhang terorista sa back-door entry, tulad ng Tawi-Tawi at Sulu.
Ayon kay Defense Secretary Delfin Lorenzana, patuloy ang isinasagawang intelligence gathering ng Armed Forces of the Philippines upang malaman kung may katotohanan ang report.
Ayon kay Lorenzana, patuloy ang pagkilos ng AFP upang mapuksa ang mga natitira pang kamag-anak ng mga Maute terror group na posibleng tumulong sa iba pang teroristang grupo.
Paliwanag pa ni Lorenzana, ang mga lokal na terorista ang dahilan kung bakit inirekumenda ng DND ang isang taong extension ng Martial Law sa Mindanao.