MRT, nagka-aberya na naman, mga pasahero, pinababa
By: Mariel Cruz
- 7 years ago
Panibagong aberya ang sumalubong sa pagbubukas ng MRT-3 ngayong Miyerkules, January 10.Nasa 620 na pasahero ang pinababa sa Ortigas at Shaw Boulevard station southbound dahil sa technical problem kaninang 5:37 ng umaga.Ayon sa Department of Transportation, nakaranas ng “electrical failure” ang isang tren kung kaya’t nagpababa ng mga pasahero.Anila, nagkakaroon ng electrical failure kapag luma na ang mga piyesa ng motor ng isang tren.Nakalipat naman ang mga apektadong pasahero sa sumunod na tren na dumating makalipas ang tatlong minuto.Kahapon dalawang beses din nagpababa ng mga pasahero ang MRT sa kaparehong istasyon dahil naman sa hindi sumarang pintuan at pagpalya ng automatic train protection o ATP.