Deboto ng Itim na Nazareno, nasawi matapos atakihin sa puso

Inquirer photo

Isa ang namatay sa ginanap na Traslacion ng Black Nazarene kaninang madaling-araw.

Sinasabing umakyat sa Andas ang debotong si Senior Jail Officer 4 Ramil Dela Cruz, 51-anyos, at pagbaba nito ay dumaing na ng paninikip ng dibdib pasado alas-12:30 kaninang madaling-araw.

Binigyan naman ng atensiyong medical si SJO4 Dela Cruz na dumaing din ng pananakit ng tiyan na umano ay dahil sa kanyang pagiging hyperacidic.

Dahil dito sinikap ng medical team mula sa Manila Disaster Risk Reduction Management Office na dalhin sa Jose Reyes Medical Center ang biktima kung saan siya idineklarang dead-on-arrival.

Sa inisyal na impormasyon mula sa MDRRMO, sinasabing amoy-alak o nakainom ang biktima nang kanilang respondehan.

 

Read more...