DND, handang maghain ng protesta vs China dahil sa militarisasyon ng Spratlys

 

Handa ang Department of National Defense (DND) na maghain ng ‘diplomatic protest’ laban sa China sa pamamagitan Department of Foreign Affairs (DFA) dahil sa umano’y militarisasyon ng Spratlys.

Ito ay matapos matanggap ng kagawaran ang mga ulat na isa nang military airbase ang artificial islands ng China sa pinag-aagawang mga isla.

Batay sa ulat, mayroon na ring naka-deploy na higit 200 sundalo sa Fiery Cross na bahagi ng teritoryo.

Ayon sa ulat ng Asia Times, isang news site na nakabase sa Hong Kong, mayroon nang 3, 125-meter runway ang isla para sa mga 6K strategic bombers at mayroon na ring hospital at military facilities.

Sinabi ni Defense Secretary Lorenzana na sakaling mapatunayan na totoo ang mga ulat ay isa itong paglabag sa nauna nang naging pahayag ng bansa.

Matatandaang iginiit ng China na hindi nila isinasailalim sa militarisasyon ang ginawa nilang mga artificial islands.

Iginiit pa ng kalihim na nakatatanggap na rin sila ng mga ulat na ilang mga mangingisdang Filipino ang nakaranas ng pangha-harass ng Chinese Coast Guard.

Ang natura anyang pangyayari ay isa din anyang dahilan upang maghain ng protesta ang DFA.

Read more...