Mga bisita sa Sahara desert, namangha sa snow

 

Namangha ang ang mga bisita sa Sahara desert dahil sa snow na bumagsak sa naturang disiyerto.

Ang mga residente sa lugar ay nagsaya sa pagpapadulas sa maliit na bahagi ng dunes bago pa matunaw ang snow.

Umabot sa 1 degree Celsius ang temperatura sa bayan ng Ain Sefra sa Algeria.

Hindi naman bago sa lugar ang naturang malamig na kondisyon sa pagitan ng disyerto at ng Atlas mountains.

Una dito ay nagka-snow sa rehiyon noong December 2016 na unang beses sa loob ng maraming taon.

Kilala ang Ain Sefra bilang gateway sa Sahara desert kung saan umaabot sa 35 degrees Celsius ang temperatura sa mga buwan ng Hulyo at Agosto.

Read more...