Joma Sison: Hindi ako Dutch national

Todo-tanggi si Communist Party of the Philippines Founding Chairman Jose Maria Sison sa mga ulat na isa na siyang Dutch citizen.

Ito ang reaksyon ng nasabing lider ng komunistang grupo sa naunang pahayag ni Presidential Spokesman Harry Roque na wala nang karapatan si Sison na katawanin ang CPP-NPA-NDF dahil hindi na siya isang Filipino.

Ayon kay Sison, “I have never applied for Dutch citizenship and have never been naturalized as a Dutch citizen. The legitimate mass media or any respectable person can verify this fact from the Dutch authorities in The Hague or the Dutch embassy in Manila”.

Pati ang kanyang tinitirahan sa kasalukuyan ay alinsunod umano sa mga panuntunan na ipinataw sa kanya bilang isang political refugee mula pa noong 1992.

Sinusunod rin umano niya ang mga alituntunin na ipinatutupad ng European Convention on Human Rights mula nang mapagtibay ang kanyang estado sa The Netherlands.

Kinuwestyon rin ni Sison ang motibo ng pamahalaan na sirain ang kanyang pangalan sa pamamagitan umano ng “fake news”.

Nauna rito ay hinamon rin ng pangulo si Sison na bumalik sa bansa at harapin ang kanyang mga kaso tulad ng pagpatay sa ilang mga sibilyan.

Binatikos rin ng pangulo ang marangyang pamumuhay ni Sison sa ibang bansa pati ang madalas nitong pagdalo sa mga party at pakikipagsayaw sa iba’t ibang mga babae.

Read more...