Diño itinalaga ng pangulo bilang bagong DILG Undersecretary

Radyo Inquirer

Nagsimula na sa kanyang bagong posisyon sa pamahalaan si dating Subic Bay Metropolitan Authority (SBMA) Chairman Martin Diño bilang undersecretary ng Department of Interior and Local Government (DILG).

Nilagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kanyang appointment paper noong January 8.

Una nang kinumpirma ni Duterte na inalok niya si Diño na maging undersecretary, habang sinabi naman ni Diño na itatalaga siya sa DILG.

Inalis si Diño bilang Chairman ng SBMA matapos ihain ang Executive Order 42 na nagpapawalang-bisa sa EO 340 ni Pdating pangulong Gloria Macapagal Arroyo.

Pinaghiwalay ng EO 340 ang kapangyarihan at tungkulin ng SBMA Chairperson at Administrator.

Inilabas ni Duterte ang EO 42 sa gitna ng alitan sa pagitan ng dating SBMA Chairman Diño at SBMA Administrator Wilma Eisma.

Read more...