Nagpahayag ng pangamba si Bayan Muna Rep. Carlos Zarate sa iba pang banta na maaaring idulot ng planong pag-amyenda ng Saligang Batas.
Ayon kay Zarate, kailangan na maghanda dahil bukod sa posibilidad ng no-election sa 2019 at term extension ay malaking banta din sa security at national sovereignty ang ChaCha
Sinabi nito na malaki ang tsansang maging lalong bukas ang ekonomiya ng bansa sa mga dayuhan pagdating land ownership at public utilities oras na mabigyan ng legislative powers kay Pangulong Duterte kapag sumailalim na sa transition patungo sa Federalism ang gobyerno.
Nangangamba ang kongresista na maging bahagi ng amyenda ng Konstitusyon ang redefinition ng public utility kung saan maaaring luwagan sa mga dayuhan ang pagmamay-ari at kontrol ng mga public utility sa bansa.
Ngayon pa lamang aniya ay malapit na ang gobyerno sa mga bansang US, China at Russia.
Hindi umano malayong maging madalas ang pag-iisyu ng Pangulo ng mga executive orders para sa mga transnational corporations kung saan hindi lamang powe at water companies ang makontrol kundi pati media at banking sector sa bansa.