Rapist ng isang menor-de-edad arestado sa Bulacan

Nakakulong ngayon ang isang 23-anyos na lalaki dahil sa panggahasa sa isang Grade 8 pupil sa Norzagaray, Bulacan.

Dahil na rin sa kalasingan kaya hindi na nakatakbo si Allan Cana, residente ng Barangay Minuyan nang arestuhin siya ng mga Barangay Tanod.

Ayon sa kuwento ng 15-anyos na biktima, niyaya siya ng suspek sa inuman gabi ng Linggo at inabot na sila ng madaling araw.

Aniya inalok siya ng suspek na sa kanyang bahay na lang matulog dahil hindi na niya kayang umuwi.

Makalipas ang ilang minuto binalikan siya ng suspek bago dinala sa isang palayan at doon ginahasa.

Nang makaraos ay nakatulog si Cana kaya’t nakatakas ang dalagita at nakapagsumbong sa mga tauhan ng Barangay.

Read more...