17 anyos na lalaki, arestado sa panghahalay sa ina at kapatid sa Quezon City

Arestado ang isang binatilyo matapos umanong gahasain ang sariling kapatid sa Barangay Pasong Tamo, Quezon City, gabi ng Lunes.

Bukod sa panggagahasa sa kapatid, tinangka din umano nito na halayin ang kanilang ina.

Ayon sa ina ng biktima, habang binababa ang kanyang shorts ay binantaan siya ng anak hawak ang isang kutsilyo.

Buong akala niya aniya ay hihingi lamang ng pera ang binatilyo, pero nagsabi ito na gusto lamang niyang “maka-isa” sa kanyang ina.

Nabatid din na tinangka na din galawin ng binatilyo ang kanyang ina noong nakaraang taon habang ito ay natutulog.

Kagabi lamang nalaman ng ina na hinalay din ng suspek ang sampung taong gulang na babaeng kapatid.

Read more...