Gun-for-hire suspek, patay sa pamamaril sa Zamboanga Sibugay

Patay makaraang pagbabarilin ang isang notoryus na gun-for-hire suspect sa Ipil, Zamboanga Sibugay, gabi ng Lunes.

Kinilala ni Supt. Philmore Dumagat ang suspek na si DJ Munjalal.

Nabatid na mayroong standing arrest warrant si Munjalal para sa tatlong bilang ng frustrated murder.

Ayon kay Dumagat, nagpaputok ng baril ang suspek matapos makaramdam na mayroong paparating na mga pulis sa mataong lugar sa Barangay Makilas.

Dalawa aniya sa mga pulis ang sugatan matapos ang sampung minutong engkwentro.

Napatay si Munjalal habang nagtatangka itong tumakas.

Narekober sa suspek ang isang granada habang nawawala naman ang baril na ginamit nito.

Read more...