Ito ay bunsod ng umano’y banta sa kanyang buhay na natatanggap kasunod ng pagbunyag niya sa mga iregularidad sa ahensya.
Sa kanyang reklamo, binanggit ni Cam ang natanggap niyang banta noong December 27 at December 29.
Aniya, nangyari ang unang pagbabanta sa PCSO main office sa Shaw Boulevard sa Mandaluyong City.
Ayon kay Cam, sinabi ng kanyang mga security na sina sina PO3 Mansun Igasan y Daji, SPO2 Prisco Onte, Jr., at PO3 Gay Perez na pinapadeposito ng security guard na nakilala si “Agarao” ang kanilang mga baril batay sa utos mula sa nakatataas sa PCSO, bagay na ang beses nangyari sa kanyang panunungkulan bilang isang Director ng ahensya.
Makalipas aniya ng dalawang araw, isang lalaki naman na umano’y kasamahan ni Balutan ang nagbanta na bobombahin ang kanyang opisina.
Sinabi ni Cam na patungo siya sa Masbate noong panahon na iyon at nalaman lamang niya ang naturang impormasyon mula sa kanyang executive assistant sa pamamagitan ng isang tawag.
Una nang ibinunyag ni Cam na gumastos ng halos sampung milyong piso ang PCSO para sa kanilang Christmas party na ginanap sa isang five-star hotel sa Mandaluyong City.