Philippine Red Cross, patuloy ang pagtugon sa mga debotong nangangailangan ng atensyong medikal

Photo: PRC’s Twitter account

Nasa isandaan at animnapu’t isang deboto na ang nalapatan ng lunas ng Philippine Red Cross sa kasagsagan ng Traslacion ng Itim na Nazareno.

Sa nasabing bilang, siyamnapu’t isa dito ang tumaas ang blood pressure habang apatnapu’t walo ang nagtamo ng minor injuries tulad ng galos, pagkahilo, lagnat, masakit na ngipin at pananakit ng katawan.

Una nang sinabi ni PRC chairman Senator Richard Gordon na as of 6 a.m, nasa apatnapu’t siyam na pasyente na ang nalapatan ng lunas.

Wala pa naman naiuulat na nagtamo ng malalang sugat or mga deboto nasugatan sa paa dahil sa naapakan na matutulis na bagay.

Karamihan kasi sa mga debotong lumalahok sa Traslacion ay hindi na nagsusuot ng sapatos o tsinelas, at sumasali sa prusisyon ng naka-paa.

Nagsimula ang pag-usad ng andas ng Itim na Nazareno mula sa Quirino Grandstand kaninang alas singko ng umaga.

Sa mga oras na ito ay nasa harapan na ng Manila City Hall ang lokasyon ng andas.

Read more...