Cagayan de Oro at Iloilo City, nagsagawa ng sariling Traslacion; libu-libong deboto, lumahok

Inquirer file photo

Mas mataas ang bilang ng mga dumalo sa isinagawang Traslacion ng Itim na Nazareno sa Cagayan de Oro City ngayong taon.

Ito ay ayon sa Cagayan de Oro City Police Office kung saan naitala na nila sa mahigit isandaang libong deboto ang lumahok sa prusisyon.

Ayon kay PCI Mardy Hortillosa ng CDO Police, ang nasabing bilang ay mas mataas na naitala noong nakaraang taon na umabot sa 80,000.

Posible aniya na ang magandang panahon na umiral sa lalawigan ng nagin dahilan ng pagtaas ng bilang ng mga deboto.

Wala pa naman naiuulat na untoward incidents habang isinasagawa ang Traslacion na tumagal ng mahigit dalawang oras mula sa St. Augustine Cathedral pabalik sa Shrine of the Black Nazarene.

Samantala, nagsagawa rin ng prusisyon ng imahen ng Itim na Nazareno sa Mandurriao, Iloilo City, kaninang madaling araw.

Dinaluhan naman ito ng mahigit limangdaan deboto.

Inilibot ang mga imahen ng Nazareno mula sa Mandurriao Parish Church hanggang sa Guzman Street bago ibinalik sa simbahan.

Parehong nagsagawa ng banal na misa ang dalawang simbahan matapos ang prusisyon.

Read more...