Eksakto alas-singko ng umaga ay nagsimula nang umusad ang andas ng Poong Itim na Nazareno.
Bandang 4:45 ng umaga natapos ang morning prayer at isinakay na ang imahe ng Nazareno sa andas, habang tumutugtog ang kantang pasasalamat at pagkatapos ay inawit ang ama namin.
Alas tres pa lang ng madaling araw ay nagsimula nang masialisan ang mga deboto ng Itim na Nazareno mula Quiapo papuntang Quirino Grandstand kung saan nagsimula ang Traslacion.
Hindi na rin nagpapadaan ng mga sasakyan na pabalik ng Luneta dahil nakasarado na ang kalsada para sa dadaanan ng andas.
Kaliwa’t kanan naman ang mga nagtitinda ng pagkain, maging ng mga iba’t ibang gamit na may kaugnayan sa pista ng Itim na Nazareno tulad ng mga t-shirt, bimpo, kwintas at imahe ng poon.
Kaliwa’t kanan rin ang mga nagkalat na basura mula Quiapo hanggang Quirino Grandstand.
Samantala, nakapanayam ng Radyo Inquirer ang ilang mga deboto mula pa sa Taytay, Rizal na ala-una pa lamang ng umaga ay bumiyahe na patungong Quirino Grandstand.
Sa huling crowd estimate ng Manila Police District ay nasa 380,000 na ang mga debotong nasa Quirino Grandstand, habang 20,000 naman ang nasa Quiapo Church.
Isang walong taong gulang naman na batang babae na ang naitalang nawawala.