Aguirre, hindi nakatitiyak kung maari pang i-apela ang paglaya ni Joel Reyes

INQUIRER/ MARIANNE BERMUDEZ

Hindi pa makapagbigay si Justice Sec. Vitaliano Aguirre II ng tiyak na tugon sa kung ano ang magiging sunod na hakbang ng gobyerno tungkol sa pagpapalaya ng Court of Appeals kay dating Palawan Gov. Joel Reyes.

Ito’y matapos magdesisyon ang Court of Appeals na ibasura ang kasong murder laban kay Reyes kaugnay ng pagkamatay ng environmentalist at mamamahayag na si Gerry Ortega noong 2011, dahil umano sa kakulangan ng ebidensya.

Sinabi ito ni Aguirre sa kabila ng pahayag ng Malacañang na iaapela ang nasabing kaso.

Ayon kay Aguirre, naka-depende ang paghahain ng apela sa ruling ng CA kung magko-constitute ito ng double jeopardy.

Aniya pa, ang Office of the Solicitor General (OSG) ang humahawak ng mga apela sa mga kasong kriminal, at ito rin ang tutukoy kung maari pa bang umapela sa isang kaso o hindi na.

Matatandaang pinatay si Ortega noong January 24, 2011.

Read more...