P4 milyong halaga ng ari-arian, nasunog sa Borongan City

Natupok ng apoy ang hindi bababa sa P4 milyong halaga ng ari-arian sa Borongan City sa Eastern Samar, Lunes ng umaga.

Walong establisyimento at limang kabahayan ang nadamay sa nasabing sunog.

Ayon kay Borongan Fire investigator FO2 Wilbur Elven Nebrida, natanggap nila ang ulat na nasunog ang isang commercial area sa Barangay Songco dakong 1:33 ng madaling araw.

Pagdating ng mga bumbero sa lugar, nilapa na ng apoy ang ilang mga tindahan at bahay na pawang mga gawa lang sa light materials.

Kabilang sa mga nasunog ay dalawang kainan, isang law office, isang salon, internet cafe, glass supply store, tindahan ng prutas, general merchandise store at limang tahanan.

Base sa imbestigasyon, isang napabayaang nakasinding kandila ang pinagmulan ng sunog sa isang karinderya.

Wala kasing kuryente noong mga panahong iyon kaya kinailangan nilang magsindi ng kandila ngunit hindi na ito nabantayang maigi.

Read more...