Tuktok ng Trump Tower sa New York, nasunog

AP photo

Sugatan ang tatlo katao kabilang na ang isang bumbero dahil sa sunog sa Trump Tower sa New York City.

Naitala ang sunog alas-7:00 ng umaga ng Lunes, oras sa New York.

Kinumpirma ng Fire Department New York (FDNY) ang tatlong sugatan sa sunog sa nasabing gusali sa Fifth Avenue.

Ayon pa sa FDNY, pawang mga non-life-threatining injuries lang naman ang natamo ng mga biktima at nabigyang lunas din kaagad kaya tumanggi nang magpadala sa ospital.

Ayon kay FDNY Manhattan borough commander Roger Sakowich, nangyari ang sunog sa rooftop ng Trump Tower at wala namang naiulat na pagliliyab sa loob ng mismong gusali.

Lumalabas lang aniya ang mga apoy sa vents ngunit walang naitalang smoke condition o apoy sa loob ng tower.

Agad naman aniya nilang naapula ang sunog nang walang problema sa loob ng gusali dahil nasunod naman lahat ng plano.

Ayon naman sa anak ni President Donald Trump na si Eric Trump, nag-ugat ito sa isang maliit na electrical fire sa cooling tower sa tuktok ng Trump Tower.

Nagpasalamat naman si Eric sa mga bumbero na agad na naka-responde at naapula ang apoy.

Ang Trump Tower ay kinalalagyan ng maraming business establishments, opisina, at residences kabilang na ang kay President Trump.

Nasa White House naman si Trump nang mangyari ang sunog.

Read more...