Banal na Misa sa Quirino Grandstand, sumentro sa ‘pagpapakatao’

Kuha ni Mark Makalalad

Sumentro sa ‘pagpapakatao’ ang mensahe sa Banal na miss na isinagawa sa Quirino Grandstand bago magsimula ang Traslacion 2018.

Sa sermon ni Manila Archbishop Luis Antonio Tagle na naka-tema sa katuruan ng Juan 14:6 sa Bibliya, kanyang binanggit na ang tunay na tao ay tinatanggap ang kanyang kababaan at hindi nagmamataas.

Binigyang diin nya rin na wala sa posisyon, pera o kapangyrihan ang pagiging tao kundi sa pagiging simple at pamumuhay ng tama at may pagmaa sa kapwa.

Kanya ring hiniling sa misa na ipinalangin ang mga nasa Marawi at mga nasalanta ng mga nakalipas na bagyo na nagpapapasan ng sarili nilang Krus.

Dumalo sa misa sina Apostolic Nuncio to the Philippines Gabriele Caccia, pati na rin ang ilang matataas na opsiyal kabilang na sina Manila Mayor Joseph Estrada, Philippine National Police Chief Ronald Dela Rosa, National Capital Region Police Office Chief Oscar Albayalde at Metropolitan Manila Development Authority Chairman Danilo Lim.

Sa tala ng Manila Police District as of 9:30 PM aabot sa 70,000 ang kabuuang pumila para sa pahalik.

Samanatala, wala namang naitalang major injuries na naitala ang mga otoridad maliban na lang sa 100 kaso ng mga hinimatay at nahilo dahil sa init at dami ng tao.

Read more...