Liderato ng Senado mas interesado sa Con-Ass sa pagpapalit ng Konstitusyon

Inquirer file photo

Kumbinsido si Senate President Aquilino Koko Pimentel na mas makakabuti ang Constituent Assembly o Con-Ass sa pag-amiyenda ng Saligang Batas patungo sa Federalism.

Paliwanag ni Pimentel, sa Con-Ass makakatipid ang gobyerno ng P20 Billion piso kumpara sa Con-Con o Constitutional Convention.

Kakailanganin umano ang budget na aabot sa P20 Bilyon kung ipipilit ang Constitutional Convention sa pagpili ng mga delegado at sa aktuwal na proseso ng pagpapalit ng Konstitusyon.

Sinabi rin ni Pimentel na sa Con-Con ay posible pang gahulin sa oras at umabot sa 2 taon na hindi pa rin nasisimulan ang pagsusulong sa Pederalismo.

Naniniwala rin ang opisyal na mas magiging katanggap-tangaap sa publiko ang pagtitipid sa pondo ng bansa kung pagpapalit rin lang naman ng Saligang Batas ang pag-uusapan.

Read more...