Pagdinig sa plunder case ni Jinggoy gagawing maghapon sa Sandiganbayan

Inquirer file photo

Muling humarap sa pagdinig ng Sandiganbayan 5th Division para sa kasong plunder si dating Senador Jinggoy Estrada.

Itinakda ng korte na gawing umaga at hapon ang pagdinig sa kasong plunder at graft ng dating senador may kaugnayan sa umano’y iligal niyang paggamit sa kanyang pork barrel.

Sa pagpapatuloy ng pagdinig kanina, humarap ang chief accountant ng Department of Agriculture Central Office kung saan pinatunayan nito na kanyang isinumiteng judicial affidavit.

Mayroon pa namang sampung sinasabing benepisyaryo na pinondohan ng PDAF ni Estrada ang nakatakdang iharap ng prosekusyon sa korte.

Samantala, sa isang ambush interview sinabi ni Estrada na pabor siya na gawing maghapon ang pagdinig para mapabilis ang takbo nito.

Read more...