Panibagong petisyon kontra-Martial Law Extension, inihain sa SC

Inquirer file photo

Inihain sa Korte Suprema ang isa pang petisyon na kumukwestyon sa ligalidad ng pagpapalawig ni Pangulong Rodrigo Duterte ng Batas Militar sa Mindanao.

Sa kanilang petisyon, iginiit ng mga human rights advocates at militanteng grupo ng National Union of People’s Lawyers at Bagong Alyansang Makabayan na walang basehan ang Martial Law Extension na kailangan sa ilalim ng Konstitusyon.

Naniniwala ang mga grupo na ang Martial Law ay mas banta laban sa mga dissenters at aktibista kaysa sa mga armadong rebelde.

Sinabi ni NUPL Chairman Neri Colmenares na ito ay paglabag sa Konstitusyon kung saan nakasaad na pwede lang ang pagpapatupad ng Martial Law kung mayroong aktuwal na rebelyon at kung apektado ang operasyon ng civilian government.

Gumagana naman umano ang gubyerno sa Davao City at sa buong bansa, kaya bakit umano kailangang palitan ang Martial Rule.

Una nang naghain ng katulad na petisyon laban sa Martial Law Extension ang minorya sa Kamara sa pangunguna ni Albay Rep. Edcel Lagman.

 

Read more...