67 pulis, nanganganib masibak sa pwesto ngayong buwan – PNP Chief Dela Rosa

Inquirer file photo

Nanganganib masibak sa tungkulin ang 67 na miyembro ng Philippine National Police simula ngayong buwan ng Enero.

Ayon kay PNP Chief Director General Ronald ‘Bato’ Dela Rosa, bago matapos ang buwan, magkakaroon ng resolusyon ang kaso ng 67 mga pulis.

Hindi naman pinangalanan ng PNP Chief ang mga pulis, pero sinabi nito na isang Senior Superintendent ang pinaka-mataas na opisyal na maaring matanggal sa pwesto.

Iba’t ibang mga paglabag umano ang kinakaharap ng mga pulis, kabilang rito ang mga kasong may kinalaman sa droga, nag-AWOL, grave misconduct, neglect of duty, at iba pa.

Kabilang rin umano sa 67 ang apat na pulis na nagpaputok ng baril noong nakaraang Pasko at Bagong Taon, maging ang 9 na pulis na sangkot sa shooting incident sa Mandaluyong City kamakailan.

Ayon kay Gen. Bato, kung mapapatunayang nagkasala, hindi magdadalawang-isip ang Pangulong Rodrigo Duterte na pirmahan ang dismissal order ng mga pulis.

 

Read more...