Panawagan ni Pope Francis sa US Congress, i-abolish na ang death penalty

Aug 6 pope inq file
Inquirer File Photo

Sa kaniyang pagibista sa Estados Unidos, nanawagan si Pope Francis ng pag-abolish sa death penalty sa harap ng mga mambabatas.

Sa kaniyang speech sa US Congress, ipinaalala ng Santo Papa ang responsibilidad ng bawat isa na protektahan at idipensa ang buhay ng tao. “The Golden Rule also reminds us of our responsibility to protect and defend human life at every stage of its development,” ayon kay Pope Francis.

Patuloy na ipinatutupad ang capital punishment na death penalty sa ilang mga estado ng Amerika.

Ayon kay Pope Francis, sa simula pa lamang ng kaniyang paninilbihan sa simbahan isinusulong na niya ang global abolition sa death penalty.

Kumbinsido umano siyang ito ang pinakamabuting gawin dahil ang sagrado ang bawat buhay.

Ang nasabing pahayag ay ginawa ng Santo Papa sa kaniyang kauna-unahang pagbisita sa New York City.

Nagtungo rin si Pope Francis sa St. Patrick’s Cathedral sa Manhattan, kung saan, daan-daang mga clergy members ang naghintay sa kaniya, kasama ang mga pari at mga madre.

Read more...