Mario Reyes, ilang araw nang may lagnat, kailangang madala sa ospital

MARIO
CIDG photo

Nais ng abogado ng magkapatid na Reyes, na madala sa ospital si Mario Reyes.

Ayon kay Atty. Rod Valmoria, abogado ng magkapatid, ilang araw nang nilalagnat ang nakababatang Reyes na dating alkalde ng bayan ng Coron.

Dahil dito, importante ayon kay Valmoria na madala agad ito sa ospital at mapasuri. “Immediate concern is to have Mario Reyes hospitalized,” ayon kay Valmoria.

Samantala, sinabi ni Valmoria na kinukwestyon pa nila ang legalidad ng arrest warrant na isinilbi sa magkapatid na Reyes.

Kaugnay nito, tiniyak ng Philippine National Police (PNP) na wala silang ibibigay na special treatment sa magkapatid na Joel at Mario Reyes.

Ayon kay PNP Chief Ricardo Marquez walang special treatment sa magkapatid na Reyes habang nasa kostodiya ng PNP.

Una nang sinabi ni Marquez na dahil holiday ngayon at sarado pa ang mga korte, sa custodial center na lang muna ng PNP mananatili ang dalawa.

Read more...