Operasyon ng ikatlong telco player ng bansa, magsisimula na sa Marso – DICT

Magsisimula na ang operasyon ng ikatlong telecommunications player ng bansa sa Marso ayon sa Department of Information and Communications Technology.

Kasunod ito ng utos ni Pangulong Rodrigo Duterte na wakasan na ang “duopoly” sa telecommunications industry.

Ayon kay DICT Officer-in-Charge Eliseo Rio Jr., ay nakagawa na ang gobyerno ng ‘terms of reference’ sa pagpili ng ikatlong telco player.

Dahil dito anya ay matutukoy na ng pamahalaan ang kumpanyang pwedeng papasukin sa bansa at pwede na itong magumpisa sa huling bahagi ng Marso.

Matatandaang nag-utos ang pangulo sa kagawaran at sa National Teleccomunications Commission (NTC) na padaliin ang pag-apruba sa mga aplikasyon at lisensya ng mapipiling player sa loob ng pitong araw matapos maipasa ang lahat ng kailangang requirements.

Napili nga ng gobyerno ng China ang China Telecom Corp. Ltd. Na maging third player ng telecommunications industry sa bansa ayon kay Presidential Communications Sec. Martin Andanar.

Gayunpaman, bukas pa naman ang pwesto para sa iba pang foreign companies sakaling magkansela ang Chinese firm sa usapan ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque.

Read more...