Mag-ama, sinilaban ng isang lalaki sa loob ng jeep sa Cavite

Binuhusan ng gasolina at sinilaban ng apoy ng isang lalaki ang mag-ama habang nakasakay pa sa kanilang jeep sa Cavite City.

Nagtamo ng second-degree burn ang mga biktimang si Michael Baro, isang jeepney driver, at ang 12-anyos nitong anak na si Anne Nicole.

Ayon kay Baro, ibinubwelta niya palabas ng garahe ang kaniyang jeep kasama ang kaniyang anak nang bigla silang silaban ng apoy ng suspek na nakilalang si Ricky Motas.

Kilala si Motas sa kanilang lugar na isa umanong drug addict.

Inamin ni Baro na nakaalitan niya si Motas dahil sa isa pang taong mistulang nakairingan niya rin na nagkataong kaibigan pala ng suspek.

Agad namang nasaklolohan ng kanilang mga kapitbahay ang mag-ama. Gayunman, hindi na nakontrol pa ng mga ito ang tuluyang pagkatupok ng jeep ni Baro.

Nahaharap na ngayon sa kasong frustrated murder si Motas, na nagtatago na at hindi pa rin naaaresto ng mga otoridad.

Read more...