Magkapatid na Reyes, naibalik na sa bansa, diretso sa Camp Crame

Jeannette Andrade | Inquirer
Kuha ni Jeannette Andrade, Inquirer

Dumating na ang magkapatid na dating Palawan Governor Joel Reyes at dating Coron Mayor Mario Reyes sakay ng PR 733 na lumapag sa Ninoy Aquino International Airport Terminal 2, pasado alas tres ngayong umaga.

Umakyat ang mga opisyal ng Philippine National Police-Crime Investigation and Detection Group sa mismong eroplanong sinakyan ng magkapatid para i-escort ang mga ito palabas, at isinakay sa isang van papuntang Camp Crame.

Bago pa man dumating ang magkapatid na Reyes, mas mahigpit na seguridad na ang ipinatupad ng pulisya habang naghihintay sa nasabing paliparan.

Ang dalawa ay parehong wanted dahil sa kasong pagpatay sa environmentalist at mamamahayag na si Doc Gerry Ortega.

Read more...