Hindi papayagan ang mga deboto na tumambay sa Jones Bridge sa araw ng prusisyon ng Itim na Nazareno sa araw ng Martes, January 9, 2018.
Paliwanag ni Johnny Yu ng City Disaster and Management Office Director ng Maynila, bagaman kaya ng tulay na i-accommodate ang bigat ng mga tao na lalako sa traslacion, may bagong regulasyon sila na bawal na tumambay sa tulay ang mga tao.
Aniya, bago pa man dumating ang andas ay kailangang walang sinuman o grupo na mga indibiduwal na magkukumpulan sa tulay dahil kanila na itong isasara habang wala pa ang imahe ng Poon.
Saka nalamang aniya nila bubuksan ang tulay kapag tuluy-tuloy na ang takbo ng andas.
MOST READ
LATEST STORIES