Aabot sa 350 nurse ang kailangan ng bansang Germany batay sa impormasyon mula sa Philippine Overseas Employment Administration (POEA).
Kabilang sa mga kailangan ay mga nurse na may dalawang taong karanasan sa Intensive Care Unit (ICU), general, medical at surgical ward, geriatric care, at operating room.
Babayaran ng employer ang visa at pamasahe patungo sa nabanggit na bansa.
Ayon sa POEA, may starting monthly salary of na 1,900 euros o P114,000 ang mga matatanggap na nurse na maari pang tumaas hanggang 2,300 euros o P138,000 kapag nasertipikahan ang aplikante bilang qualified nurse.
Ang sinumang makakapasok ay dadaan sa pagsasanay sa wikang German.
MOST READ
LATEST STORIES