Dagdag na traffic enforcers itatalaga sa NLEX para sa INC event bukas

Phil ArenaMagdaragdag ng mga traffic enforcers sa North Luzon Expressway (NLEX) para sa inaasahang pagdagsa ng mga miyembro ng Iglesia ni Cristo (INC) sa kanilang “Dakilang Araw ng Pamamahayag” bukas.

Ayon kay Tollways Management Corporation Spokesman Kiko Dagohoy, inaasahang babagal ang daloy ng trapiko sa NLEX dahil sa pagdagsa ng mga INC members sa Philippine Arena sa Bocaue Bulacan simula pa lamang sa umaga.

Bagaman alas 7:00 pa ng gabi ang pagsisimula ng event, sinabi ni Dagohoy na inaasahang alas 7:00 pa lamang ng umaga ay magdaratingan na ang mga INC members.

Sinabi ni Dagohoy na maghahanda rin sila sakaling kailanganing magpatupad ng counterflow sa bahagi ng Marilao para makatulong na maibsan ang pagsisikip ng traffic.

Hahatiin aniya sa tatlong shift ang mga traffic enforcers ng NLEX ang iba dito ay mag dou-double duty pa.

Pinapayuhan din ang mga motorista na bibiyahe sa mga lalawigan sa Norte na dahil holiday naman ngayong araw ay simulant nang bumiyahe ngayon sa halip na bukas pa umalis para hindi na sila matraffic sa NLEX.

Read more...