Dalawang magkasunod na lindol, tumama sa Davao Oriental

Courtesy: Phivolcs

Niyanig ng dalawang magkasunod na lindol ang Davao Oriental ngayong araw ng Linggo, January 7, 2018.

Batay sa earthquake information ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), naitala ang episentro ng magnitude 3.4 na lindol sa 104 kilometers East ng bayan ng Manay bandang 10:21 ng umaga.

May lalim itong 49 kilometers at tectonic ang origin.

Courtesy: Phivolcs

Matapos ang ilang oras, tumama naman ang magnitude 3.1 na lindol sa 120 kilometers East ng kaparehong bayan ganap na 12:14 ng hapon.

Tectonic rin ang origin at may lalim na 22 kilometers.

Pareho namang walang inaasahang pinsala at aftershocks bunsod nito.

Read more...