198 Pulis-Caloocan na isinailalim sa retraining, isasabak sa Traslacion 2018

Kabilang sa 5,000 pulis na ipupwesto sa buong Maynila para sa Pista ng Poong Itim na Nazareno ang halos 200 pulis-Caloocan na sumailalim sa retraining noong nakaraang taon.

Matatandaang buong pwersa ng Caloocan-PNP ang muling isinailalim ng National Capital Region Police Office (NCRPO) sa pagsasanay dahil sa sunud-sunod na kontrobersiyang kinasangkutan ng mga ito.

Ang deployment ng mga pulis ay kinumpirma mismo ni Quezon City Police District Director Supt. Guillermo Eleazar.

Ang 198 pulis na ito na bagong talaga sa QCPD ay kabilang sa buong pwersa ng pulisya na magbabantay sa seguridad ng inaasahang 19 na milyong deboto na dadalo sa Traslacion.

Idedeploy ang mga pulis sa iba’t ibang himpilan ng pulisya sa lungsod Quezon matapos ang Traslacion.

Nagsagawa na ang QCPD ng welcoming rites at orientation para sa mga dating pulis-Caloocan.

Read more...