Ani Dela Rosa, gagawn niya ang lahat ng kanyang makakaya sa loob ng tatlong dagdag na buwan para maresolba ang problema sa loob ng PNP at umaasa siyang malilinis niya ang pulisya mula sa mga tiwaling alagad ng batas.
Sa kanya namang mga nakaraang mga talumpati ay binigyang diin ni Bato ang layunin ngayon ng PNP na hulihin ang mga taong sangkot sa illegal drug trade sa bansa.
Aniya, mas magiging maingat na silang mga pulis ngayon, kasunod ng mga pambabatikos ng iba’t ibang human rights group dahil sa sunod-sunod na pagpatay sa mga drug suspects.
Matapos ianunsyo ng pangulo ang pagpapalawig ng panunungkulan ni Dela Rosa ay ngayon lamang isinapubliko ng PNP chief ang kanyang ‘special mission.’
Nakatakda sanang magretiro mula sa pagka-pulis si Dela Rosa sa ika-21 ngayong buwan kung kailan nito maaabot ang mandatory retirement age, ngunit dinagdagan ng pangulo ng tatlong buwan ang panunungkulan nito.
Sa pagreretiro ni Dela Rosa sa Abril ay inaasahan naman itong manungungkulan bilang pinuno ng Bureau of Corrections.